“Na-trauma silang mga kapatid ko nung nagge-gera na. [Sabi nila], ‘Umalis na tayo dito kasi baka mamatay na tayo dito.’ Tapos nagsi-iyakan na silang lahat. Pati mama ko umiyak. Umiyak, umiyak, umiyak sila. Kaya ayun po ang hindi ko matiis, na nakikita silang umiiyak, ” sabi ni Mohammad Salih, 22, habang inaalala ang araw na lumikas sila ng kanyang pamilya sa Marawi sa gitna ng gera.
Bago ang krisis sa Marawi, magsisimula na sana si Mohammad sa trabaho niya sa isang non-profit corporation. Pinangarap niyang mag-aral ulit at sundan ang yapak ng mga magulang niyang parehong ustad, terminong Arabic na ang ibig sabihin ay nirerespetong guro o propesor. Nagtuturo ang mga magulang niya sa isang madrasah, institusyong nagtuturo ng kulturang Muslim at Islamic studies.
Wasak na kung maituturing ang kalakhan sa mga kabahayan sa Marawi dahil sa mga pagbobombang nagaganap doon. Unti-unti na ring naglalaho ang mga maliit nilang kabuhayan. Maski ang pagsasaka’y hindi na nila maatupag bunga ng tensyong dulot ng sagupaang ito na kalauna’y nagresulta naman sa kawalan ng makakain ng mga pamilya sa komunidad.
Ayon pa sa mga salaysay ni Mohammad, sa tatlong buwang kaguluhan ay palaging laman ng kanilang tiyan ang mga pagkaing mula sa relief goods. Ngunit hindi pa rin nakasasapat ang palagian nilang pagkain ng mga delata at iba pang mga ‘instant foods’, dahilan upang sila’y magbakwit.
“Minsan hindi nagkakasya, minsan nalilipasan ng gutom. Wala pong pambili ng pagkain kasi walang trabaho. Walang mapagkunan ng pera kasi bakwit. Minsan hindi na nakakakain ‘pag naubos na yung pinamigay na relief goods. Kasi po magbibigay sila hindi linggo-linggo at hindi rin araw-araw. Hindi fixed kung kailan.”
Sa gitna ng kanyang pagkukuwento’y mapapansing may halong nginig at minsanang pagka-utal ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Mohammad nang ikinukwento niya ang ganitong mga tagpong dinulot sa kanila ng Martial Law.
“Mahirap sa amin na kaming mga Muslim ay istrikto sa lalaki at babae, na hindi sila pwedeng magsama o nakikita ang isa’t isa. Sabog-sabog na sa evacuation. Wala nang privacy ‘yung mga babae dahil nandiyan ‘yung mga lalaki. Nahihirapan kami as a Muslim. Katulad ng pagsasamba na dapat limang beses kada araw. Hindi namin ma-accomplish kasi siksikan na po.”
Nagbakwit ang pamilya ni Mohammad sa Saguiran, Lanao del Norte, bago sila lumipat sa bahay ng kamag-anak sa Iligan City.
Naniniwala si Mohammad na pakana ng imperyalismong Estados Unidos at gobyerno ni Duterte ang krisis sa Marawi.
“Talagang pinapatagal nalang nila ang bakbakan doon sa Marawi para tuluyan na nila ‘tong makuha” sabi ni Mohammad, na naniniwalang ginagamit ang “war on terror” ng US upang mapalakas ang kontrol nito sa Marawi at buong Mindanao.
Hindi na halos nakahihinga ang Marawi mula sa pinsalang natamo nito, ngunit buhay pa rin ang pag-asa kay Mohammad na makauwi sa Marawi’t makapagsimulang muli.
Kahit walang kasiguraduhan ang kanilang pagbabalik ay hindi siya titigil sa pag-asam at sa pagsigaw ng kanilang hinaing: ang pagpapatigil sa pagbobomba sa Marawi, ang pagtigil ng mga airstrikes, at kagyat na tulong at plano para sa kanilang mga bakwit at para mismo sa Marawi.
“Noong 1996, binuo ‘yung aming organisasyon ng mga Tumandok sa 22 barangay sa Bayan ng Tapas. Nagkaisa kaming lumaban kahit anong hamon ng gobyerno sa amin. Nagkaisa kaming lumaban sa mga militarisasyon na umabot sa aming barangay,” ayon kay Marivic Aguirre, ang kinatawan ng Tumandok mula sa ikalawang distrito ng Panay.
Bumiyahe ang pambansang minorya mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para makarating sa Manila para sa Lakbayan. Isa sa layunin ng kanilang pagsasama-sama ay para ipaalam sa mamamayan sa Kamynilaan ang kanilang dinaranasa na pang-aapi sa militarisasyon sa kanilang mga komunidad na bunsod naman ng mga “proyektong pangkaunlaran” na umaagaw sa kanilang lupang ninuno.
Sa mga minoryang ito, isa sa mga nakilahok ang mga katutubong mula sa Isla ng Panay na tinatawag na Tumandok.
Ang pangunahing kabuhayan ng Tumandok ay ang kaingin, isa itong sistema ng pagtanggal at pagsunog ng mga halaman para magamit ang abo nito bilang pataba ng lupa. Ang kanilang mga produkto ay balinghoy, mani, mais, luya, at saging.
“Sa Bayan ng Tapas, ang buong population ng Tumandok ay mahigit 11,000 sa 22 barangays. Sa Calinog, 11,000 siguro. ‘Yung 11,000 na ‘yan ay sa malawak na lupa. Ang kalawakan ng lupa ay nasa 33,310 hectares. Pero noong 1967, naproklama ni Diosdado Macapagal na military reservation na ‘yan. Hindi pa namin nalutas ang aming problema sa army reservation, ‘yung lupa namin napasukan na naman. Sabi ng gobernor at mayor namin sa Roxas City, priority ‘yung Panay kasi pinopondohan ng China at Japan,” sabi ni Aguirre.
Maliban sa isyu ng pag-aagaw ng lupa, ang Department of Environment at Natural Resources (DENR) and National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay walang naiambag na tulong, pahayag ni Aguirre.
“Nagsimula umabot ‘yung opisina ng NCIP sa bayan ng Tapas, siguro nung 2002. Doon nagsimula ang pagkahati-hati naming mga katutubo, kasi sinasabi ng NCIP sa iba-ibang katutubo na para sila sa karapatan ng katutubo. Hanggang sa 2011, ‘yung mga elders na binoboto ng mga katutubo sa kanilang mga komunidad ay hindi na pinakinggan ng NCIP. NCIP rin ang pumipili ng elders sa bawat komunidad. Ang pinipili ng mga katutubo ay hindi kinikilala,” sabi ni Aguirre.
Noong 2013, gumawa ng sariling organisasyon ang NCIP na tinatawag na Tapas People’s Organization (TPO). Sumunod ang DENR at National Irrigation Administration (NIA) sa NCIP sa pagpadaloy ng mga programa sa pormasyong ito.
“Dahil may pera na binibigay ang NCIP at DENR sa katutubo, lahat ng kanilang gusto, ay tuloy-tuloy pumapasok sa komunidad. Sabi nila, magtanim na kayo ng puno. ‘Yung itanim ninyo para na din sa inyo. ‘Yung mga barangay captain at elders, hindi na nila iniinvolve ‘yung mga tao sa komunidad. Ang masakit ngayon ay nag-away na ang mga katutubo,” sabi ni Aguirre.
Larawan mula sa blog ni Karlo Mongaya, Abril 3, 2013.
“Hindi namin pinabayaan ‘yun. Kinausap namin ang DENR. Sabi namin, kung totoo ang sinasabi niyo na ang pinatanim ninyong puno sa bawat komunidad ng katutubo, gusto namin ay pirmahan niyo ‘yung agreement kung para sa katutubo ang pinatanim ninyo. Nung nalaman ng mga katutubo na ayaw pirmahan ng DENR, sabi ng DENR na gobyerno ang may-ari niyan kasi binabayaran kayo. Doon namulat ang mga katutubo. Namulat na sila, pero kahit ‘yun ang nangyari, patuloy naming inoorganisa ang mga katutubo na kahit na natanim na ‘yan, dapat labanan. Kung merong protesta, magdadialogue kami sa Mayor at kahit sa rally pinaglalaban,” dagdag ni Aguirre.
Kuwento ni Aguirre, sobra-sobrang pang-aabuso mula sa militar ang nararanasan ng mga katutubo.
Sabi niya, Noon pa man sa mga ninuno namin, sa mga magulang namin, pinapatay. Hiniwalay ‘yung mga katawan. Pinagbenta ‘yung katawan sa iba-ibang komunidad. ‘Yun ang ginawa ng military.”
Maliban sa problemang kaugnay sa DENR, NCIP, NIA, at militarisasyon, meron din ang pinaplanong konstruksyon ng kulungan malapit sa kanilang komunidad.
“Sabi ng militar, pag natayo na ‘yan at ‘pag maayos na, lahat ng pugante diyan dadalhin sa penal colony na ‘yan para diyan magtrabaho sa lupa na ibinigay ni Diosdado Macapagal sa military. ‘Yung lupa ng aming mga ninuno. Siguro kami ‘yung ikukulong diyan ‘pag pinaglaban namin ang aming karapatan. Pero sa ngayon, inaayos na nila ang kalsada galing sa Bayan ng Tapas papunta doon kung saan itatayo ‘yung kulungan,” sabi ni Aguirre.
Pahayag ni Aguirre, lahat ng ito ay nagpapatibay sa kanilang dahilan kung bakit nila mas kailangan ipaglaban ang kanilang karapatan.
“Kaya kami pumunta dito sa Lakbayan, kasi gusto namin iparating ‘yung mga isyu namin dito. Umaasa pa rin kami. Nasa isip namin na hindi lang kami ‘yung nakikipaglaban sa aming karapatan,” sabi ni Aguirre.
Inamin niyang nananatili siyang umaasa na mababalik ng kanilang lupang ninuno.
“Mahalaga para sa amin ang lupa kasi kung wala kaming lupa, wala kaming buhay. Kahit anong sabi ng gobyerno, ‘di kami matatakot kalabanin ‘yun. ‘Yun [lupa] ang buhay namin,” dagdag ni Aguirre.
Sumali ng tatlong beses ang Tumandok sa Lakbayan. Ang kanilang isyu ay hindi nagbago simula noong una silang sumali. Gayunman, mayroon namang progreso.
Ayon kay Aguirre, hindi natuloy ang pagtayo ng dam sa Calinog, Iloilo, kung saan naninirahan ang ibang Tumandok, dahil sa pagtutol ng mga katutubo sa proyektong ito.
Ayon kay Remia Castor, isang Tumandok galing Iloilo, una nilang narinig ang proyekto noong 2011.
“Nung 2011 naririnig namin na may malaking project na ipapatayo sa Iloilo, sa kabukiran ng Calinog. ‘Yung kabukiran ng Calinog, sa barangay Alibunan, Agcalaga, Toyungan, Masaroy, tsaka Garangan. Nung 2013 sila nag-FPIC [Free, Prior and Informed Consent] pero 2011 naipasa nila sa Korea na naka-umpisa na sila ng FPIC. Pero ang totoo, 2013 sila nagkonsulta sa mga elders namin. Tsaka ‘yung mga nakonsulta nila ‘yung mga elders na inappoint ng NCIP.”
Photo from greedypeg.org
Ang FPIC ay karapatan ng mga katutubo na payagan o tutulan ang mga proyekto na pumasok sa kanilang teritoryo, na maaaring makaapekto sa kanilang pamumuhay. Pero naging instrumento ang FPIC para maagaw at maubos ang mga lupang ninuno–isang saligang pagbabaliktad sa pagkilala ng lupang ninuno sa batas–sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sabi ni Castor karamihan sa mga matatanda ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya pumayag ang iba na palitan ang kanilang lupa para sa sardinas o karne dahil akala nila’y magkatumbas ang kanilang halaga.
“Kaya ‘yung mga pumapasok na korporasyon sa amin, ang inuuna nila ang mga matatanda. Tradisyon kasi doon na ‘yung mga matatanda ang humahawak ng tungkulin sa aming barangay o komunidad. ‘Yung aming elders naman, pumayag sila doon pero ‘di pa naman sila pumirma. Bale, unang meeting nila pinaalam nila sa mga elders. Tapos sa susunod na session nila, sinama-sama na nila ‘yung mga barangay official na madadamay sa ipapatayong project,” sabi ni Castor.
“Nagsama-sama ang 16 na barangay na madadamay kung itatayo ang Jalaur Dam. ‘Yung elders pumayag na. Pumirma sila dahil madaming propaganda na para rin daw sa katutubo. Para raw ito makaahon sa kahirapan ang mga katutubo sa Panay at mabigyan ng edukasyon ‘yung mga anak namin,” kuwento ni Castor.
“Kahit pirmado na ng elders namin, lumalaban pa din kami dahil nga may kasabihan doon sa amin kapag hindi pa 100% ang nakapirma, pwede pa kaming lumaban. Kahit isang tao hindi pa nakapirma, ‘di matutuloy ‘yan [dam]. Kaya tuloy ang laban namin,” dagdag niya.
Nagtayo sila ng organisasyon at nagkampanya para sa pagpatigil sa konstruksyon ng dam.
“Sa unang beses na nag-rally kami, ‘yun yung sa dam. Tapos ‘yung NGP [National Greening Program], sabay-sabay sila pumasok sa barangay pero ‘di namin pinansin ‘yung NGP dahil opisyal ako ng NGP. Nung huli na, nung unti-unti kong naiintindihan na inaagaw na pala ‘yung lupa ng mga katutubo pati ‘yung lupa namin mismo. Nagpasa ako ng resignation letter na hanggang ngayon hindi pinipirmahan na resign na ako. Pipirmahan man nila o hindi, ‘di na ako bumabalik diyan.” alaala ni Castor.
Sa kasalukuyan, ang pondo para sa Jalaur Dam ay suspendido. Ayon kay Castor, ang namamahala ng pondo ay nasa South Korea.
3-D model ng Jalaur Dam project. Larawan mula sa NIA Western Visayas.
“Ang lugar na papatayuan ng Jalaur Dam at ng Panay Dam ay malaking bundok ‘yung pagitan nila. Pagtinayo ‘yung dalawang dam na iyon,
‘yung bundok sa gitna nila ay bubutasan para ‘yung ibang tubig na galing sa Panay Dam ay isasama sa Jalaur Dam. Lalakas ang daloy ng tubig kasi kukuha siya ng power ng kuryente papuntang City ng Iloilo,” sabi ni Castor.
“Mahalaga sa aming mga Tumandok ang ilog, kasi ang ilog na iyon ay diyan nakatira ang iba-ibang uri ng isda. May mga isdang hindi kilala sa Manila. Kung meron ng dam diyan, mawawala na ‘yung mga isdang iyon. Pupunta na siya sa karagatan. Hindi naman ‘yun mabubuhay sa karagatan. Mula noon at tsaka ngayon, pupunta lang kami sa ilog para makakuha ng isda o ibon kasi nga wala kaming pambili. Pero ‘pag meron ng dam, hindi na ‘yun mangyayari dahil malalim na ang tubig at di na kami makakapunta doon,” dagdag niya.
Pati ang mga kabataang Tumandok ay nakikibahagi sa pagprotesta. Kabilang sa kanila si Gabrila Danid, 21-taong gulang na Tumandok Youth chairperson. Sabi ni Danid, importante ang papel ng kabataan sa pagtutol.
“Kung ano ang pinaglalaban ng mga matatanda, ‘yun na din po ang mga pinaglalaban namin kasi kami na ang susunod na henersayon. Amin itong susundan at ipapaalam pa namin sa susunod na henerasyon. Bilang kabataan ng Tumandok, kami din po ay sumasama sa mga aktibidad na ginagawa, tulad ng pagdadayalog sa mga ahensya ng gobyerno. At tsaka ‘yung mga picket rally, nasa unahan din kami lagi na mahigpit na tumututol sa kanilang mga proyekto na pinapatupad ng ating gobyerno sa ating bayan lalo na sa komunidad naming Tumandok,” sabi ni Danid.
Madalas nabibintangan ang kabataan ng Tumandok na nakikilahok o sumusuporta sa gawain ng mga New People’s Army (NPA).
“Sa kasalukuyan, nararanasan ng katutubong Tumandok ‘yung militarisasyon. Pinagbibintangan silang NPA at recruiter ng NPA. Sa katunayan nga, kami ay sinabihan ng militar na kami ay kapalit kasi ang mga matanda ay aalis na daw. Nung nakaraang buwan, may putukang naganap sa pagitan ng militar at NPA. Sa panig ng militar, meron po silang armas at sinabi ng militar na kami daw ang nagpapalit sa armas ng NPA,” sabi ni Danid.
Umaasa sila Aguirre, Castor, at Danid na maaalis ang miltarisasyon at ang panghihimasok ng DENR, NIA, at NCIP sa kanilang mga gawain.
Pangarap ni Danid ang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga Tumandok, kaya para sa kanya, hindi sila titigil sa pagprotesta hangga’t makinig ang gobyerno sa mga hinaing nila.
“Sa akin, mahalaga ang pakikibaka ng Tumandok, hindi lang ng Tumandok, pero lahat ng katutubong mamamayan sa Pilipinas kasi para din naman ito sa ating pambansang kasarinlan. Ito din po ay para sa sarili nating pagpapasya para sa tunay na kalayaan ng ating bansa,” sabi ni Danid.
Matapos sa paglikha ng effigy para sa kilos-protesta noong Seytembre 15 kaugnay ng ika-26 taong paggunita sa tagumpay ng mamamayan sa pagpapalayas sa base militar, binuo naman ng UGATLahi Artist Collective ang isang likhang sining na halaw sa Rubik’s cube para sa kilos-protesta sa paggunita sa ika-45 taon mula ng dineklara ang Batas Militar ni Ferdinand Marcos, Sr.
Ang “Rudy’s Cube’, gaya ng pinaghalawang magic cube na isang 3-D puzzle, ay may apat na gillid at tatlong lebel/hati. Kada panel ay may “larger-than-life portrait painting”. Ang inspirasyon ng apat na painting ay mula sa popular na slogan na isinisigaw noong panahon ng batas militar: “Marcos: Hitler, Diktador, Tuta!”
Sa aktwal, may tig-iisang portrait painting kada gilid ang yumaong diktador na si Marcos; ang nagpasimuno ng henosidyo sa Europa na si Adolf Hitler; isang stylized na bersyon ng isang aso para sa “tuta” na simbolo o metapora ng pagsusunud-sunuran sa dikta ng dayuhan; at, ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte. Naiikot ang tatlong baitang ng Rudy’s Cube upang makabuo ng bagong larawan na pinaghahalo ang iba’t ibang bahagi ng mukha ng apat na dibuho.
Pagbuo sa Rudy's Cube. Larawan mula sa Liga ng Kabataang Propagandista.
Sa malaking protesta ngayong araw, ipinanawagan ng mga kalahok ang pagtigil sa pasisimo at paniniil ng kasalukuyang administrasyon. Sinasabi ng mga nagpoprotesta na kung noong mga nakaraang taon ay ginugunita ang Batas Militar para ‘di ito malimot at ‘di ito maulit, sa kasalukuyan ay may Batas Militar sa bansa at lumalala ang paglabag sa karapatang pantao.
Bago ang nasabing protesta, saksi ang buong bansa at nararanasan ng mamamayan ang pagpapalawak sa Batas Militar sa Mindanao, pambobomba sa mga komunidad ng magsasaka at katutubo sa kanayunan sa ngalan ng operasyong militar laban sa New People’s Army, paparaming pagpatay sa gera kontra droga (lalo ang insidenteng 60 napatay sa loob ng tatlong gabing “one time big time operasyon ng pulis noong huling mga araw ng Agosto), paparaming pagpatay sa mga kabataan sa gera kontra droga sa kaso nila Kian, Carl, Reynaldo, pagpatay sa mga katutubo na tutol sa mapangwasak na pagmimina kasama na ang 19-taong gulang mag-aaral na si Obello at iba pang mga sinasabing indikasyon ng isang gobyernong naghahanda sa isang pambansang diktadurya.
Makikita ang Rudy’s Cube sa protesta na magsisimula sa Unibersidad ng Sto. Tomas ika-12 ng tanghali, magmamartsa papuntang Mendiola at tutulak sa Luneta para sa programa nito, 4-8pm, sa may dambana ni Rizal sa kahabaan ng Roxas Boulevard, 4-8 ng hapon.
Si Nanay Rosela ay 52-anyos mula sa tribo ng Ituman mula sa Maghati Bukidnon ng Negros Occidental.
Ninais na sumama ni Nanay Rosela sa Lakbayan upang ipaalam sa gobyerno ang kanilang kinakaharap sa mga operasyong militar kaugnay sa pagkamkam sa lupang tinatamnan nila.
Isang banyagang kumpanya, ang MOSSER Environment Inc., ang dumating sa kanilang lugar noong 2002 at ginamit ang kanilang lupa sa negosyo nito. Tinatamnan ng MOSSER ng puno ang mga lupain ng mga katutubo at kalaunan ay i-eeksport upang gawing mga kasangkapan sa bahay o furniture.
Nangako ang kumpanyang ito na ibabalik sa kanila ang lupa matapos ang pitong taon, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naibabalik ang lupa sa kanila. Sa kabila rin ng pagkakait ng MOSSER sa lupa ng mga mga katutubo ay wala ring natatanggap na benepisyo at hindi nababayaran ang kanilang serbisyo. Dahil din sa mababang sweldong kanilang natatanggap ay halos puro kanin na lamang ang nababaon ng mga anak ni Aling Rosela sa eskwelahan.
Lantaran ang naging panloloko ng kumpanyang ito sa mga mamamayan.
Ang paglalabas ng mga likas yaman mula sa lupang ninuno nang walang natatamong benepisyo ang komunidad ay malinaw na paunawa kung paanong hindi naman napakikinabangan ng mga mamamayan ang mga proyekto ng dayuhang kumpanya.
Noong 2004 naman, mayroong dumating sa kanila na “private attorney” na nagngangalang John Pareno mula sa Bacolod. Umakyat siya sa bundok na mayroong dalang ilang mga kagamitan ngunit lingid sa kaalaman ng mga mamamayan sa komunidad na iyon ay tatamnan na pala ang kanilang lupa. Kalaunan ay pinalalayas na sila roon at sapilitang pinapapirma sa mga blangkong papel, ngunit hindi pumayag sila Nanay Rosela na lumagda. Patuloy silang tinatakot upang pumirma ngunit hindi natitinag sila Nanay Rosela. Hindi sila basta-basta pumayag.
“Hindi sila magtatagumpay,” ani Nanay Rosela.
Liban pa sa pribadong negosyo na umaagaw sa lupa ng mamamayan, patung-patong na mga “proyektong pangkaunlaran” ang kinahaharap ng mga Ituman.
Katulad din sa ibang rehiyon ay sagabal din kung ituring ng mga taga-Negros Occidental ang proyekto ng gobyerno na National Greening Project o NGP. Ang NGP ay proyekto ng malawakang reforestation, ngunit katumbas nito’y kinukuha ang mga lupa ng mamamayan. Pinagbabawalan din silang pumutol ng puno na natamnan na ng NGP dahil maaari silang makulong sa ganitong mga aksyon .
Bukod pa proyektong NGP, mayroon ding nakaambang pagpapatayo ng dam para sa flood control na sasakop sa 15 komunidad at munisipalidad. Maapektuhan rin ang paaralan at pamayanang nakapaloob dito. Tinatayang sa 500 metro sa kabuuang 194,500 na ektarya ang huhukayin. Nasa 900 kabahayan at 484,000 indibidwal ang direktang maaapektuhan. Sa bilang ng mga apektado, 14,000 ay mga katutubo. Wala man lamang relokasyong inaalok sa mga mamamayang maapektuhan ng proyektong ito.
Nariyan din ang proyektong ‘Translink Road’ na magdudugtong mula Mamaylan, Negros Occidental patungong Tayasan, Negros Oriental. Ang Translink Road na ito ay para sa daanan ng mga kagamitan at makinaryang gagamitin sa pagpapasisimula ng pagmimina roon.
Sa kasamaang palad, hindi rin mawawala ang militarisasyon sa ganitong mga tagpo ng buhay ng mga katutubo at mamamayan sa kanayunan. Pinakamadaling dahilan ng militar sa panghaharas sa mga mamamayan ang akusahan silang mga miyembro ng New People’s Army o NPA. Binubugbog ang mga tao ng mga militar kapag itinatanggi nila ang paratang na sila ay NPA.
Sa kabila ng lahat ng ito, nagpupunyagi si Nanay Rosela sa pagtataguyod sa kanilang lupang ninuno at sa kanilang karapatan at kagustuhang mabuhay nang may dignidad. Tiyak niya na sa bawat pandarahas, ang ihaharap nila’y paninindigan. Sa bawat paniniil, paglaban.
Anihan na ng mga pananim na tubo, Ito na rin ang panahon ng Tiempo Muerto.
“Sugar Bowl of The Philippines”
Katulad ng asukal, kay tamis ding pakinggan ang taguring tinatawag sa lalawigan ng Negros Occidental. Parang panghimagas ng bayan ang katagang ito, masarap sa pandama at kaiga-igaya. Pero ano’t kabalintunaan nito ang kalagayan ng mga mamamayan dito? Bakit mapapait ang kanilang kuwento?
Isa na marahil sa pinakamatingkad na pag-iral ng pyudalismo sa bansa ang makikita sa Negros Occidental. Iilang haciendero ang nagmamay-ari at may kontrol sa malalawak na lupain dito. Samantalang daan-daan naman ang mga nagpapakahirap na anihin ang mga tubo.
Tiempo Muerto
Salitang Espanyol na alam na alam ng karamihan sa kanilang probinsya. Banyaga man ngunit may kurot sa kanila ang kahulugan. Sapagkat ito ang salitang nakasanayang bigkasin sa panahon ng kagutuman.
Sa pagitan ng mga buwan ng Abril at Setyembre umiiral ang tiempo muerto. Kalahating taon ang pagtitiis nila sa kumakalam na sikmura. Anim na buwan ang paghihirap nilang punan ang plato sa hapagkainan. Paghihirap na kahit matapos ang buwan ng Setyembre ay mayroon pa ring panibagong paghihirap.
Pakyaw system ang dahilan kung bakit umiiral ang tiempo muerto sa Negros. Sa sistemang ito, mayroon nang nakatalagang presyo ang bawat hektaryang lupain. May ibibigay na bayad ang mga haciendero sa bawat hektarya at ang bayad na ito ay paghahati-hatian ng mga mang-aani.
Dahil dito dapat ay matapos nila ang gawain sa pinag-usapang panahon upang makuha ang kapalit na sahod. Nagbubunga ang pakyaw system ng child labor o ang sapilitang pagtatrabaho sa mga bata. Upang maisakatuparan ang usapan na pagtapos sa pag-aani, maging ang mga kabataan ay nagtatrabaho na. Sa mga panahong ito, isa hanggang dalawang linggo lamang ang trabaho nila sa isang buwan.
Isa pang dahilan ng tiempo muerto ay ang mono-cropping. Dahil iisang pananim lang ang pokus ng Negros, at ito nga ay ang tubo, nagkakaroon ng kagutuman sa pagitan ng pag-aantay na tumubo ang mga tubo. Isang beses lang kasi sa isang buwan ang anihan, kaya naman gutom ang inaabot ng mga mamamayan. Hindi rin kayang magtanim ng isang simpleng tao ng tubo sapagkat malaking kapital ang kinakailangan dito.
Ngayon, nananawagan ang mga mamamayan na magkaroon ng iba pang pananim ang kanilang probinsya upang mabigyang kasagutan ang kanilang kagutuman.
Ito ang kanilang kalagayan.
Matamis ang tubo, ngunit mapait naman ang mga kuwento ng mga nag-aani nito.
“Na-trauma silang mga kapatid ko nung nagge-gera na. [Sabi nila], ‘Umalis na tayo dito kasi baka mamatay na tayo dito.’ Tapos nagsi-iyakan na silang lahat. Pati mama ko umiyak. Umiyak, umiyak, umiyak sila. Kaya ayun po ang hindi ko matiis, na nakikita silang umiiyak, ” sabi ni Mohammad Salih, 22, habang inaalala ang araw na lumikas sila ng kanyang pamilya sa Marawi sa gitna ng gera.
Bago ang krisis sa Marawi, magsisimula na sana si Mohammad sa trabaho niya sa isang non-profit corporation. Pinangarap niyang mag-aral ulit at sundan ang yapak ng mga magulang niyang parehong ustad, terminong Arabic na ang ibig sabihin ay nirerespetong guro o propesor. Nagtuturo ang mga magulang niya sa isang madrasah, institusyong nagtuturo ng kulturang Muslim at Islamic studies.
Wasak na kung maituturing ang kalakhan sa mga kabahayan sa Marawi dahil sa mga pagbobombang nagaganap doon. Unti-unti na ring naglalaho ang mga maliit nilang kabuhayan. Maski ang pagsasaka’y hindi na nila maatupag bunga ng tensyong dulot ng sagupaang ito na kalauna’y nagresulta naman sa kawalan ng makakain ng mga pamilya sa komunidad.
Ayon pa sa mga salaysay ni Mohammad, sa tatlong buwang kaguluhan ay palaging laman ng kanilang tiyan ang mga pagkaing mula sa relief goods. Ngunit hindi pa rin nakasasapat ang palagian nilang pagkain ng mga delata at iba pang mga ‘instant foods’, dahilan upang sila’y magbakwit.
“Minsan hindi nagkakasya, minsan nalilipasan ng gutom. Wala pong pambili ng pagkain kasi walang trabaho. Walang mapagkunan ng pera kasi bakwit. Minsan hindi na nakakakain ‘pag naubos na yung pinamigay na relief goods. Kasi po magbibigay sila hindi linggo-linggo at hindi rin araw-araw. Hindi fixed kung kailan.”
Sa gitna ng kanyang pagkukuwento’y mapapansing may halong nginig at minsanang pagka-utal ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Mohammad nang ikinukwento niya ang ganitong mga tagpong dinulot sa kanila ng Martial Law.
“Mahirap sa amin na kaming mga Muslim ay istrikto sa lalaki at babae, na hindi sila pwedeng magsama o nakikita ang isa’t isa. Sabog-sabog na sa evacuation. Wala nang privacy ‘yung mga babae dahil nandiyan ‘yung mga lalaki. Nahihirapan kami as a Muslim. Katulad ng pagsasamba na dapat limang beses kada araw. Hindi namin ma-accomplish kasi siksikan na po.”
Nagbakwit ang pamilya ni Mohammad sa Saguiran, Lanao del Norte, bago sila lumipat sa bahay ng kamag-anak sa Iligan City.
Naniniwala si Mohammad na pakana ng imperyalismong Estados Unidos at gobyerno ni Duterte ang krisis sa Marawi.
“Talagang pinapatagal nalang nila ang bakbakan doon sa Marawi para tuluyan na nila ‘tong makuha” sabi ni Mohammad, na naniniwalang ginagamit ang “war on terror” ng US upang mapalakas ang kontrol nito sa Marawi at buong Mindanao.
Hindi na halos nakahihinga ang Marawi mula sa pinsalang natamo nito, ngunit buhay pa rin ang pag-asa kay Mohammad na makauwi sa Marawi’t makapagsimulang muli.
Kahit walang kasiguraduhan ang kanilang pagbabalik ay hindi siya titigil sa pag-asam at sa pagsigaw ng kanilang hinaing: ang pagpapatigil sa pagbobomba sa Marawi, ang pagtigil ng mga airstrikes, at kagyat na tulong at plano para sa kanilang mga bakwit at para mismo sa Marawi.
Despite threats to impose martial law nationwide, suspended government work and classes in public schools, limited rally space in Luneta, and a scheduled nationwide earthquake drill, around 30,000 protesters flooded Kalaw Avenue yesterday afternoon until late into the evening.
Intermittent rains failed to put down the collective rage over the Duterte administration’s bloody drug war, its all-out war in the countryside affecting mostly farmers and indigenous peoples, and martial law extension in Mindanao.
“Sa Malacañang natuloy ang earthquake drill. Nayanig ang Malacañang sa ating protesta,” said former Bayan Muna representative Teddy Casiño.
[“In Malacañang, the earthquake drill pushed through. Malacañang is shaken by our protest.”]
Students, professionals, religious people, personalities, artists, farmers, workers, and members of national minorities aired out their indignation over the Duterte government’s fascism through banners, placards, songs, poems, and speeches.
A mother of a slain teenager shared her woe’s about Duterte’s war on drugs. “Napakahirap po na mawalan ng isang anak at asawa. Masyado na pong masakit kasi puro mahihirap po ang kanilang binibiktima,” said the mother who was introduced as Emily.
[“It is difficult to lose a child and a husband. It is very unbearable because only the poor are victimized.”]
Rights groups estimate that the drug war death toll has risen to 13,000 since the start of Duterte’s term.
The 2,000-strong contingent from the 2017 Lakbayan ng mga Moro at mga Pambansang Minorya also expressed condemnation over intensifying military presence in indigenous peoples’ communities, notably in Lumad areas in Mindanao.
Datu Jerome Succor Aba of Sandugo – Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self-Determination noted that 33 Moro and Lumad have been killed since the president’s declaration of martial law on May 23.
“Pinulbos niya ang syudad ng mga Maranaw sa Marawi City. Pinapatay niya ang mga Lumad. Isinasara niya ang mga paaralan ng mga Lumad. Ang martial law sa Mindanao ay paglabag sa karapatang pantao, pagbabawal sa mga protesta, iligal na pag-aresto,” he added.
[“He pulverized the City of Maranaws in Marawi City. He is killing the Lumad. He is shutting down Lumad schools. Martial law in Mindanao means violating human rights, banning protests, illegal arrests.”]
Aba also noted the increasing plunder and militarization of indigenous peoples’ ancestral lands to give way to foreign corporations, especially those of the United States.
This year’s Lakbayan ng Moro at mga Pambansang Minorya aimed to expose the fascist character of the Duterte administration.
As part of its culminating protest in Mendiola before the Luneta rally, participants of the Lakbayan burned an 8-foot “Rody’s cube”, showing the many faces of Duterte – the dictators Hitler and Marcos and a tuta to resemble his subservience to US imperialism’s economic and military impositions.
Making history
“OK lang na absent tayo sa klase para magprotesta. Ang importante ay present tayo sa paglikha ng kasaysayan,” said former University of the Philippines Student Regent Raoul Manuel amidst cheers and applause from students who attended the rally.
[“It’s OK for us to be absent in our classes so we could join the protest. What is important is we are here to make history.”]
Actor Pen Medina delivered a fiery speech before a responsive audience: “Ang mga public servants natin, binabayaran natin. Pero sila ang nasusunod. Tayo tameme lang. Pero ang pamahalaan ay tayo.”
[“We are paying for our public servants. But it’s only them who are listened to. We remain silent. But we are the government.”]
Medina also greeted the pro-Duterte supporters participating in the simultaneous mobilization at Plaza Miranda.
“’Wag po nating magalit sa kanila. Sila po ang pinakakawawang biktima ng mga pangako at panlilinlang ng ating Presidente. Walang tunay na pagbabago. Pinapaikot-ikot tayo, pinag-aaway-away tayo. ‘Wag ninyong awayin ang mga Dutertards at pro-Marcos. Imulat ninyo,” he said.
[Let’s not be mad at them. They are the biggest victims of the President’s promises and lies. There is no real change. We are being made to run around in circles, being made to fight each other. Don’t make enemies out of the Dutertards and the pro-Marco loyalists. Educate them instead.”]
Almost, if not all those who spoke before the crowd called an end to martial law in Mindanao and expressed their active support in not allowing martial law to happen again.
In an act of solidarity, various personalities onstage led the crowd in singing a Filipino version of the Les Miserables’ “Do You Hear The People Sing”. The Schöberg original was translated into Filipino by thespians Vincent de Jesus, Rody Vera, and Joel Saracho.
Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab
Ikaw ba’y makikibaka At hindi maduduwag Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag
Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab
Ikaw ba ay dadaing na lang Kimi’t magmumukmok Habang nagpapakasasa Ang mga trapong bulok Gisingin ang puso Galitin hanggang pumutok
Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab! Magliliyab!
Forty-five years after Marcos declared martial law and amid Duterte’s threats of nationwide martial law declaration, the Filipino people stood up and shouted ‘Never again!’
Photos by Noah Loyola, Jhayle Meer, Anjon Galauran, Hector Calma, Dexter Aserdano, Patricia Chan, and Mel Matthew Doctor
Para sa isang ina’t amang nawalan ng isang anak na lubos nilang kinalinga at inaruga ay tila pinulbos ng buong-buo ang kanilang mga puso.
Tinataguyod na pag-aaral ng kanyang mga magulang si Obello sa kagustuhan nilang matuto ang kanilang anak, sapagkat ayaw nilang matulad ito sa kanila na hindi nakatapos ng pag-aaral. Kaya naman lubos ang suporta ni Nanay Eugenia at Tatay Benjo sa pag-aaral ng anak.
Si Obello Bay-Ao, 19, na taong gulang ay isang mag-aaral sa pamayanan ng mga Lumad sa Talaingod, Davao del Norte. Nasa ika-anim na baitang na siya sa pag-aaral sa Salugpongan Tu Tano Igkanogon-Community Learning Center Inc., ayon sa kanyang mga naging guro at kaibigan katangi-tangi ang kanyang aking talino, sipag, at pagiging masiyahin. Matindi ang kanyang pag-aasam na makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa kanyang mga magulang at makapagturo sa kabataang lumad kagaya niya.
Masipag si Obello mag-aral wika pa nga ng kanyang naging guro na si Ma’am Joan.
“Tuwing pagkatapos ng klase ay hindi siya umuuwi agad at tinutulungan pa kaming maglilinis sa school. Kapag wala naman pasok ay pumupunta pa rin siya sa aming school para tulungan uli kaming maglinis. Kahit dalawang linggo ko lamang naging estudyante si Obello ay masasabi kong napakasipag at napakamatulungin niyang bata. Nanghihinayang ako kay Obello. Sayang ang kanyang galing at talino,” pag-aalala ni Ma’am Joan.
Ang ina ni Obello na si Nanay Eugenia ay isang barangay health worker at ang kanyang ama naman ay isang magsasaka.
Lumaki si Obello sa isang simpleng buhay at sa murang edad ay tumutulong na siya sa pagsasaka sa kanyang ama.
Dumating ang araw ng ika-5 ng Setyembre magkasama sa sakahan si Tatay Benjo at Obello. Nang sumapit ang alos dos ng tanghali nagpaalam si Obello sa kanyang ama na uuwi na siya.
“Sabi ko, anak ko na mamaya na siya umuwi, kaso lang hindi siya nagpapigil at umuwi siya,” kuwento ni Tatay Benjo.
Noong papauwi na siya sa kanilang tahanan at malapit na sa kanilang komunidad ay binaril siya ng 24 beses patalikod. Limang bala ang tagusan sa mura niyang katawan. Nagpagulong-gulong si Obello pababa ng burol, may kasama siya ng mga oras na iyon na naunang maglakad pababa sa komunidad kaya noong nabaril si Obello ay may tumulong sa kanya agad.
“Nakauwi pa ng bahay ang aking anak kahit halos apat na oras na mula nang siya’y nabaril. Talagang pinilit ng anak ko na mabuhay pa para masabi sa amin kung sino ang pumatay sa kanya,” ani Nanay Eugenia.
Naisugod pa ng kanyang mga magulang si Obello sa ospital. Hinahagkan ng kanyang ina si Obello papunta sa ospital. Kalong-kalong niya ang nanghihinang anak. Katulad ng anak, doble ang panghihinayang na nararamdaman ng kanyang ina. Ano pang hihigit sa sakit na makita ang iyong anak na unti-unting nababawian ng buhay?
Nang madala siya sa ospital nasambit pa ni Obello sa kanyang mga magulang ang bumaril sa kanya hanggang sa nabawian siya ng buhay ng mga bandang 9pm ng gabi. Ang magpinsang si Joven Salangani, miyembro ng paramilitar, at si Ben Salangani, miyembro ng Citizen Armed Forces Guerilla Unit (CAFGU), ang tinuro ni Obello.
“Nagtataka ako kung bakit binaril ang aking anak kasi estudyante lang naman siya. Sinasabi ng CAFGU na isang mensahero ng New People’s Army (NPA) pero ako na mismo ang nagsasabi hindi mensahero ang aking anak,” ani Nanay Eugenia.
Para sa mga magulang ni Obello, sinadya talaga siyang paslangin sapagkat bago ang naganap na pagpatay sa kanilang anak may naganap na engkwentro sa pagitan ng mga NPA at CAFGU at sa nasabing engkwentro ay may namatay na CAFGU.
“Gusto nilang makaganti sa mga NPA kaya nila binaril ang anak ko. Pero bakit si Obello? Hindi siya NPA! Hindi siya NPA!” hinagpis ng ama ni Obello.
Nang nasa Davao ang mga magulang ni Obello may pumuntang mga pulis sa punirarya upang interbyuhin sila sa mga pangyayari sa kanilang anak. Subalit hindi sila pinaniwalaan at sinabahin pa silang nagsisinungaling.
“Sabi ko sa mga pulis, idaan na lang namin sa aming kultura para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Ang bakal na pinainit sa apoy ay sabay hahawakan ng dalawang tao kung sino ang hindi mapaso ay siyang nagsasabi ng totoo,”sambit ni Tatay Benjo.
Wala silang nakikitang pag-usad ng kaso kung sa nasa Davao lamang sila kaya lakas-loob silang pumunta sa Maynila kasama ang mga kaibigan na naniniwala sa kanila. Gayumpaman bago sila makapunta sa Maynila kasama pa 31 na kabataang lumad upang dumalo sa unang Pambansang Kumperensya ng Save Our Schools Network ay hinarang na sila ng mga pulis. Wika pa ng mga pulis ay baka sila ay human trafficker kahit may mga lehitimong mga papeles para bumyahe ang bitbit ng mga bata at sila.
“May isa pa roon na gusto akong hulihin at ibalik sa aming lugar para makipag-usap sa Major,” kwento ni Tatay Benjo.
Kahit na ginigipit sila ng mga awtoridad ay hindi natinag ang mga magulang ni Obella, sampu ng mga kasama nilang mga kabataan, upang igiit ang kanilang karapatang bumyahe. Katulong ng mga iba pang mga kaibigan at kasama ay pinahintulutan rin silang makalipad papuntang Maynila.
Sumama sina Tatay Benjoat Nanay Eugenia sa Lakbayan ng Pambansang Minorya upang makiisa sa kanilang laban para sa kanilang karapatan at ipaglaban ang hustisiya para sa kanilang anak na si Obello.
Sa isang magulang na ninakawan ng anak ay tila pagkawala rin nila ng saysay. Sa isang magulang na labis minahal ang kanilang anak at walang habas na pinatay nang walang dahilan, hinding-hindi matitinag ang kanilang mga puso’t kaluluwa ang paghingi ng tunay na hustisya.
“Mula noong namatay si Obello hanggang sa nalibing siya, hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay niya. Bilang isang ina masakit pa rin para sa akin na tanggapin na wala na siya,” hinagpis ni Nanay Eugenia.
“Mahal na mahal ko ang aking anak. Hindi ko matanggap na wala na siya. Wala naman siyang kasalanan. Hindi ako titigil hangga’t walang hustisya para kay Obello,” pangako ni Tatay Benjo.
In these times of economic crisis, escalating war and rising fascism, we can all find hope in revolutionary struggle.
Since Philippine President Rodrigo Roa Duterte declared Martial Law in the island of Mindanao in the Southern Philippines last May, there have been non-stop protests in the country to denounce the return of another declared fascist dictatorship.
Forty-five years after the infamously brutal, United States-backed fascist dictatorship of Ferdinand Marcos began upon his own declaration of Martial Law, Duterte has threatened numerous times to expand his Mindanao declaration of Martial Law to cover the entire country.
Protesters burn the Rody’s Cube at the 45th Martial Law declaration rally on September 21, 2017. Photo by Mel Doctor.
When people think of the Philippines nowadays, Duterte, his foul mouth, his sexism, and his infamous drug war are likely the first things that come to mind. This is thanks to the fact that the international media has relentlessly shone a bright spotlight on these for over a year.
But what the international media has left out completely is the most politically significant and decisive aspect of Philippine society in these perilous times of rising fascism and militarism — the Philippine Revolutionary Movement and the emerging Provisional Revolutionary Government. This burgeoning power is now present in 71 out of 81 provinces in the country on the barrio and municipality levels, born out of the Communist Party of the Philippines (CPP’s) 50-year old armed revolution that rose and grew in the midst of U.S.-backed fascist dictatorship.
Ironically, when Duterte was mayor of Davao City for 22 years, he not only spoke highly of the revolutionary movement, but allied himself with it on issues such as denouncing U.S.-CIA operations, U.S. military intervention, and ensuring subsidies and food relief for poor peasants and farmers in a country where over 75 percent of the Filipino population live off rich agricultural lands yet experience severe food scarcity and hunger when forced to yield to big foreign corporate agribusiness and mining corporations.
Duterte as Davao City mayor facilitate prisoner-of-war release.
Now as President of the Philippines, Duterte has changed his tune. His pronouncements sound more like that of the U.S. State Department, which tags the leaders of Philippine revolutionary movement — the CPP and the New People’s Army (NPA) — as terrorists. It is important to place this in the context of U.S.-Philippine historical relations, which began in 1899 with the U.S. invasion of the Philippines, the first U.S. war of aggression and conquest far overseas that led to the establishment of the Philippines as a U.S. colony from 1899-1946. From 1946 until the present, the Philippines remains a U.S. neo-colony, or having the semblance of independence but still heavily influenced by U.S. foreign policy in the economic, political, and cultural spheres.
Let’s not forget Duterte’s scrapping of the highly-lauded resumed peace negotiations with the National Democratic Front of the Philippines (NDFP), which sought to address the roots of the nearly 50-year old civil war raging in the Philippine countryside; welcoming US$32 million in US aid in its war against the poor-cum-suppression campaign tagged as a War on Drugs, as well as adding more US Special Operation Forces and US drone operations in its war against the Moro people (Islamized indigenous), government critics, and human rights activists, tagged as a War on Terror.
A lightning rally in Manila by member organizations of the National Democratic Front of the Philippines.
Neither the U.S. government, nor any Philippine president, has ever been able to fully annihilate the CPP-NPA-NDF or the shadow provisional government it has established in the countryside. And if history is any indicator, U.S.-backed martial law and heightened state repression in the country will only drive the poor rural majority and working poor in the cities to join its ranks by the tens of thousands.
Perhaps it’s because in the guerilla bases of these so-called terrorists you will find free healthcare, education, and farm cooperatives that produce food to sustain communities. Maybe it’s because the NPA is known to be a first responder to disaster-struck areas with their relief missions when hurricanes hit. Or maybe because the guerillas, with mass support, find ways to deter and avert private armies of the foreign corporations as well as Philippine military from occupying mineral-rich areas on which a vast number of indigenous people live. Or maybe it’s the fact that the most marginalized people just feel safer and provided for in these areas.
Whatever it is, the U.S. government wants to kill this movement, and is funneling tens of millions in U.S. tax dollars to the Duterte government to get the job done.
A new documentary project, Moving the Mountains, is currently underway to challenge the mainstream narrative of misinformation by examining the history as well as continuing relevance of the Philippine revolution from the stories of its aging founders and the young Filipinos who continue to take up arms in the countryside. The filmmakers, three young Filipino-American grassroots activists, are currently fundraising to shoot more footage in the Philippines and complete by next year. Watch the trailer and learn how to donate online at bit.ly/mtmdonate.
In these times of economic crisis, escalating war and rising fascism in the Philippines, U.S. and around the world, perhaps we can all find hope in revolutionary struggle.
—
Bernadette Ellorin is the Chairperson of BAYAN USA and a member of the International Coordinating Committee of the International League of Peoples Struggle (ILPS). She is also one of the members of the filmmaking team behind the upcoming documentary film, “Moving the Mountains.”
Matapos mapanood ang pelikulang ‘American Made’ na dinirehe ni Doug Liman (Bourne Identity, Mr. and Mrs. Smith, Edge of Tomorrow) at sinulat ni Gary Spinelli, mapapaisip ka kung nanunuya ba ang pelikula sa papel ng Estados Unidos (US) sa pagpapakana ng pagkalat ng iligal na droga, paglikha ng mga gera at krisis sa mga bansang may mga paglaban para sa pambansang pagpapapalaya at pagsira ng maraming buhay sa mundo. Wala, kundi pambihira, ang pagkakataong may pelikulang nagpapakita man ng mga pangyayari sa kasaysayan na sa puno’t dulo o sa esensya ay buong-buong babatikos sa agenda ng US sa hegemonya sa mundo. Pero kung gayon na nga ang layon, wala nang mas akmang pamagat para sa pelikula kaysa sa “American Made.”
At wala na rin sigurong mas tatak US kaysa sa isang pelikulang bida si Tom Cruise. Ang pelikula ay tungkol sa buhay ng dating piloto ng Trans World Airlines na si Barry Seal na nagpapasok ng mga kontrabando galing Cuba nang siya ay nirekrut ng CIA para maniktik sa mga bansa sa kontinente ng Timog Amerika, ginawang kuryer ng CIA kay Heneral Noriega ng Panama, nirekrut ng Medellin Cartel para magdala ng iligal na droga sa US, nagdala ng mga armas ng Ruso galing sa US para sa Contras sa Nicaragua, ipinalit ang armas galing US para sa Contras sa droga galing sa Medellin, nagdala ng mga Contras sa US at nag-frame up sa mga Sandinista ng Nicaragua.
Kung maniniwala at maeengganyo sa isinalaysay ni Barry Seal, American-made hindi ang mga kontrabandong dala ni Seal, kundi ang mga krisis sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng lahat ng iligal at mapanlinlang na pamamaraan para makontrol ang ibang mga bansa sa pulitika, ekonomya at kultura. Ang US ay gumampan sa kapasidad o papel na utak, funder o kasapakat sa internasyunal na krimen sa iligal na droga, smuggling, money laundering, paniniktik, at pagbubuo ng mga armadong grupo laban sa mga lehitimong gobyerno na ‘di pumapabor sa US at tuluyang pagpapabagsak sa mga gobyernong ito. Malinaw ito at walang-pagtatanggi mula simula hanggang dulo ng pelikula, maging sa sinapit ng bidang karakter na ginampanan ni Tom Cruise at maging sa pagtatago ng katotohanan at pagrerebisa ng kasaysayan batay sa imahe nitong ‘mapagkawanggawa’ at ‘mapagmalasakit’.
Maraming magkukuro-kuro hinggil sa katumpakan sa kasaysayan ng mga detalye sa pelikula, pero mas mabilis mapawi ang duda ukol sa pangkalahatang idea ng mga pamamaraan ng US para mapanatili ang pangingibabaw sa buong mundo.
Hindi thriller ang pelikula, ito ay isang comedy. At dahil tungkol sa krimen, namuhunan ito sa entertainment value sa maraming eksena ng barilan, habulan at hulihan pero iniwasan ang mga madugo at sadistang tagpo na karaniwang bahagi ng mga kwento’t pelikula sa sindakato ng iligal na droga. Hindi rin nito ipinakita ang mga malagim na naging epekto sa mamamayan ng mundo sa mga pangyayaring kinomando ng US batay sa kuwento ng buhay ni Barry Seal.
Marami namang manonood at kritiko ng pelikula ang mas pumapansin sa karakter at pagganap ni Tom Cruise, na nagsasabing pumantay sa mga pelikulang nagpasikat sa kanya sa simula ng kanyang karera, gaya ng Risky Business o Top Gun.
Para sa isang mamamayang galing sa isang bansang semi-kolonya ng US hanggang sa kasalukuyan, mas kapansin-pansin at nakakalibang ang matalisik na paglalahad ng mga pangyayari sa katusuhan ng US at pakikisabwatan ni Barry Seal, isang bidang kontrabida. At sa ganitong paraan nagiging mabisa ang pelikula—ang mabigyang pagkakataong matutukoy natin na ang kuwento ng buhay ng isang piloto na ginawang isang action-comedy film ay kuwento ng modernong kasaysayan.
Sa panahon ng madugong gera kontra droga sa Pilipinas kung saan 13,000 na ang napatay sa mga operasyon ng pulis, labas pa sa milyong-milyong nasirang buhay ng iligal na droga, mas maliwanag pa sa pagngisi ni Tom Cruise ang bakas ng US sa maraming kaguluhang nangyari sa mundo, o kahit man lang sa mga pangyayari sa kuwento ni Barry Seal.
At kung ang isang pelikulang gawa sa Hollywood ay nag-aatubiling manuya sa US (sa paggamit ng mga tag line na “based on a true lie” at “one man played them all”) ay iiwan pa ring hinagap ng ‘American Made’: gaya ng hula ng marami, bukod sa sansinukob na likha ng Diyos (o mapapaliwanag ng syensya, mapagdedebatehan ito) at mula nang natamo ng US ang pusisyong nag-iisang superpower sa mundo matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang hilahil ng sangkatauhan—laluna sa mahihirap na bayan—ay US na ang nagpakana at nagpapanatili.
Matapos sa paglikha ng effigy para sa kilos-protesta noong Seytembre 15 kaugnay ng ika-26 taong paggunita sa tagumpay ng mamamayan sa pagpapalayas sa base militar, binuo naman ng UGATLahi Artist Collective ang isang likhang sining na halaw sa Rubik’s cube para sa kilos-protesta sa paggunita sa ika-45 taon mula ng dineklara ang Batas Militar ni Ferdinand Marcos, Sr.
Ang “Rudy’s Cube’, gaya ng pinaghalawang magic cube na isang 3-D puzzle, ay may apat na gillid at tatlong lebel/hati. Kada panel ay may “larger-than-life portrait painting”. Ang inspirasyon ng apat na painting ay mula sa popular na slogan na isinisigaw noong panahon ng batas militar: “Marcos: Hitler, Diktador, Tuta!”
Sa aktwal, may tig-iisang portrait painting kada gilid ang yumaong diktador na si Marcos; ang nagpasimuno ng henosidyo sa Europa na si Adolf Hitler; isang stylized na bersyon ng isang aso para sa “tuta” na simbolo o metapora ng pagsusunud-sunuran sa dikta ng dayuhan; at, ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte. Naiikot ang tatlong baitang ng Rudy’s Cube upang makabuo ng bagong larawan na pinaghahalo ang iba’t ibang bahagi ng mukha ng apat na dibuho.
Pagbuo sa Rudy's Cube. Larawan mula sa Liga ng Kabataang Propagandista.
Sa malaking protesta ngayong araw, ipinanawagan ng mga kalahok ang pagtigil sa pasisimo at paniniil ng kasalukuyang administrasyon. Sinasabi ng mga nagpoprotesta na kung noong mga nakaraang taon ay ginugunita ang Batas Militar para ‘di ito malimot at ‘di ito maulit, sa kasalukuyan ay may Batas Militar sa bansa at lumalala ang paglabag sa karapatang pantao.
Bago ang nasabing protesta, saksi ang buong bansa at nararanasan ng mamamayan ang pagpapalawak sa Batas Militar sa Mindanao, pambobomba sa mga komunidad ng magsasaka at katutubo sa kanayunan sa ngalan ng operasyong militar laban sa New People’s Army, paparaming pagpatay sa gera kontra droga (lalo ang insidenteng 60 napatay sa loob ng tatlong gabing “one time big time operasyon ng pulis noong huling mga araw ng Agosto), paparaming pagpatay sa mga kabataan sa gera kontra droga sa kaso nila Kian, Carl, Reynaldo, pagpatay sa mga katutubo na tutol sa mapangwasak na pagmimina kasama na ang 19-taong gulang mag-aaral na si Obello at iba pang mga sinasabing indikasyon ng isang gobyernong naghahanda sa isang pambansang diktadurya.
Makikita ang Rudy’s Cube sa protesta na magsisimula sa Unibersidad ng Sto. Tomas ika-12 ng tanghali, magmamartsa papuntang Mendiola at tutulak sa Luneta para sa programa nito, sa may dambana ni Rizal sa kahabaan ng Roxas Boulevard, 4-8 ng hapon.
Si Nanay Rosela ay 52-anyos mula sa tribo ng Ituman mula sa Maghati Bukidnon ng Negros Occidental.
Ninais na sumama ni Nanay Rosela sa Lakbayan upang ipaalam sa gobyerno ang kanilang kinakaharap sa mga operasyong militar kaugnay sa pagkamkam sa lupang tinatamnan nila.
Isang banyagang kumpanya, ang MOSSER Environment Inc., ang dumating sa kanilang lugar noong 2002 at ginamit ang kanilang lupa sa negosyo nito. Tinatamnan ng MOSSER ng puno ang mga lupain ng mga katutubo at kalaunan ay i-eeksport upang gawing mga kasangkapan sa bahay o furniture.
Nangako ang kumpanyang ito na ibabalik sa kanila ang lupa matapos ang pitong taon, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naibabalik ang lupa sa kanila. Sa kabila rin ng pagkakait ng MOSSER sa lupa ng mga mga katutubo ay wala ring natatanggap na benepisyo at hindi nababayaran ang kanilang serbisyo. Dahil din sa mababang sweldong kanilang natatanggap ay halos puro kanin na lamang ang nababaon ng mga anak ni Aling Rosela sa eskwelahan.
Lantaran ang naging panloloko ng kumpanyang ito sa mga mamamayan.
Ang paglalabas ng mga likas yaman mula sa lupang ninuno nang walang natatamong benepisyo ang komunidad ay malinaw na paunawa kung paanong hindi naman napakikinabangan ng mga mamamayan ang mga proyekto ng dayuhang kumpanya.
Noong 2004 naman, mayroong dumating sa kanila na “private attorney” na nagngangalang John Pareno mula sa Bacolod. Umakyat siya sa bundok na mayroong dalang ilang mga kagamitan ngunit lingid sa kaalaman ng mga mamamayan sa komunidad na iyon ay tatamnan na pala ang kanilang lupa. Kalaunan ay pinalalayas na sila roon at sapilitang pinapapirma sa mga blangkong papel, ngunit hindi pumayag sila Nanay Rosela na lumagda. Patuloy silang tinatakot upang pumirma ngunit hindi natitinag sila Nanay Rosela. Hindi sila basta-basta pumayag.
“Hindi sila magtatagumpay,” ani Nanay Rosela.
Liban pa sa pribadong negosyo na umaagaw sa lupa ng mamamayan, patung-patong na mga “proyektong pangkaunlaran” ang kinahaharap ng mga Ituman.
Katulad din sa ibang rehiyon ay sagabal din kung ituring ng mga taga-Negros Occidental ang proyekto ng gobyerno na National Greening Project o NGP. Ang NGP ay proyekto ng malawakang reforestation, ngunit katumbas nito’y kinukuha ang mga lupa ng mamamayan. Pinagbabawalan din silang pumutol ng puno na natamnan na ng NGP dahil maaari silang makulong sa ganitong mga aksyon .
Bukod pa proyektong NGP, mayroon ding nakaambang pagpapatayo ng dam para sa flood control na sasakop sa 15 komunidad at munisipalidad. Maapektuhan rin ang paaralan at pamayanang nakapaloob dito. Tinatayang sa 500 metro sa kabuuang 194,500 na ektarya ang huhukayin. Nasa 900 kabahayan at 484,000 indibidwal ang direktang maaapektuhan. Sa bilang ng mga apektado, 14,000 ay mga katutubo. Wala man lamang relokasyong inaalok sa mga mamamayang maapektuhan ng proyektong ito.
Nariyan din ang proyektong ‘Translink Road’ na magdudugtong mula Mamaylan, Negros Occidental patungong Tayasan, Negros Oriental. Ang Translink Road na ito ay para sa daanan ng mga kagamitan at makinaryang gagamitin sa pagpapasisimula ng pagmimina roon.
Sa kasamaang palad, hindi rin mawawala ang militarisasyon sa ganitong mga tagpo ng buhay ng mga katutubo at mamamayan sa kanayunan. Pinakamadaling dahilan ng militar sa panghaharas sa mga mamamayan ang akusahan silang mga miyembro ng New People’s Army o NPA. Binubugbog ang mga tao ng mga militar kapag itinatanggi nila ang paratang na sila ay NPA.
Sa kabila ng lahat ng ito, nagpupunyagi si Nanay Rosela sa pagtataguyod sa kanilang lupang ninuno at sa kanilang karapatan at kagustuhang mabuhay nang may dignidad. Tiyak niya na sa bawat pandarahas, ang ihaharap nila’y paninindigan. Sa bawat paniniil, paglaban.
Anihan na ng mga pananim na tubo, Ito na rin ang panahon ng Tiempo Muerto.
“Sugar Bowl of The Philippines”
Katulad ng asukal, kay tamis ding pakinggan ang taguring tinatawag sa lalawigan ng Negros Occidental. Parang panghimagas ng bayan ang katagang ito, masarap sa pandama at kaiga-igaya. Pero ano’t kabalintunaan nito ang kalagayan ng mga mamamayan dito? Bakit mapapait ang kanilang kuwento?
Isa na marahil sa pinakamatingkad na pag-iral ng pyudalismo sa bansa ang makikita sa Negros Occidental. Iilang haciendero ang nagmamay-ari at may kontrol sa malalawak na lupain dito. Samantalang daan-daan naman ang mga nagpapakahirap na anihin ang mga tubo.
Tiempo Muerto
Salitang Espanyol na alam na alam ng karamihan sa kanilang probinsya. Banyaga man ngunit may kurot sa kanila ang kahulugan. Sapagkat ito ang salitang nakasanayang bigkasin sa panahon ng kagutuman.
Sa pagitan ng mga buwan ng Abril at Setyembre umiiral ang tiempo muerto. Kalahating taon ang pagtitiis nila sa kumakalam na sikmura. Anim na buwan ang paghihirap nilang punan ang plato sa hapagkainan. Paghihirap na kahit matapos ang buwan ng Setyembre ay mayroon pa ring panibagong paghihirap.
Pakyaw system ang dahilan kung bakit umiiral ang tiempo muerto sa Negros. Sa sistemang ito, mayroon nang nakatalagang presyo ang bawat hektaryang lupain. May ibibigay na bayad ang mga haciendero sa bawat hektarya at ang bayad na ito ay paghahati-hatian ng mga mang-aani.
Dahil dito dapat ay matapos nila ang gawain sa pinag-usapang panahon upang makuha ang kapalit na sahod. Nagbubunga ang pakyaw system ng child labor o ang sapilitang pagtatrabaho sa mga bata. Upang maisakatuparan ang usapan na pagtapos sa pag-aani, maging ang mga kabataan ay nagtatrabaho na. Sa mga panahong ito, isa hanggang dalawang linggo lamang ang trabaho nila sa isang buwan.
Isa pang dahilan ng tiempo muerto ay ang mono-cropping. Dahil iisang pananim lang ang pokus ng Negros, at ito nga ay ang tubo, nagkakaroon ng kagutuman sa pagitan ng pag-aantay na tumubo ang mga tubo. Isang beses lang kasi sa isang buwan ang anihan, kaya naman gutom ang inaabot ng mga mamamayan. Hindi rin kayang magtanim ng isang simpleng tao ng tubo sapagkat malaking kapital ang kinakailangan dito.
Ngayon, nananawagan ang mga mamamayan na magkaroon ng iba pang pananim ang kanilang probinsya upang mabigyang kasagutan ang kanilang kagutuman.
Ito ang kanilang kalagayan.
Matamis ang tubo, ngunit mapait naman ang mga kuwento ng mga nag-aani nito.
Despite threats to impose martial law nationwide, suspended government work and classes in public schools, limited rally space in Luneta, and a scheduled nationwide earthquake drill, around 30,000 protesters flooded Kalaw Avenue yesterday afternoon until late into the evening.
Intermittent rains failed to put down the collective rage over the Duterte administration’s bloody drug war, its all-out war in the countryside affecting mostly farmers and indigenous peoples, and martial law extension in Mindanao.
“Sa Malacañang natuloy ang earthquake drill. Nayanig ang Malacañang sa ating protesta,” said former Bayan Muna representative Teddy Casiño.
[“In Malacañang, the earthquake drill pushed through. Malacañang is shaken by our protest.”]
Students, professionals, religious people, personalities, artists, farmers, workers, and members of national minorities aired out their indignation over the Duterte government’s fascism through banners, placards, songs, poems, and speeches.
A mother of a slain teenager shared her woe’s about Duterte’s war on drugs. “Napakahirap po na mawalan ng isang anak at asawa. Masyado na pong masakit kasi puro mahihirap po ang kanilang binibiktima,” said the mother who was introduced as Emily.
[“It is difficult to lose a child and a husband. It is very unbearable because only the poor are victimized.”]
Rights groups estimate that the drug war death toll has risen to 13,000 since the start of Duterte’s term.
The 2,000-strong contingent from the 2017 Lakbayan ng mga Moro at mga Pambansang Minorya also expressed condemnation over intensifying military presence in indigenous peoples’ communities, notably in Lumad areas in Mindanao.
Datu Jerome Succor Aba of Sandugo – Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self-Determination noted that 33 Moro and Lumad have been killed since the president’s declaration of martial law on May 23.
“Pinulbos niya ang syudad ng mga Maranaw sa Marawi City. Pinapatay niya ang mga Lumad. Isinasara niya ang mga paaralan ng mga Lumad. Ang martial law sa Mindanao ay paglabag sa karapatang pantao, pagbabawal sa mga protesta, iligal na pag-aresto,” he added.
[“He pulverized the City of Maranaws in Marawi City. He is killing the Lumad. He is shutting down Lumad schools. Martial law in Mindanao means violating human rights, banning protests, illegal arrests.”]
Aba also noted the increasing plunder and militarization of indigenous peoples’ ancestral lands to give way to foreign corporations, especially those of the United States.
This year’s Lakbayan ng Moro at mga Pambansang Minorya aimed to expose the fascist character of the Duterte administration.
As part of its culminating protest in Mendiola before the Luneta rally, participants of the Lakbayan burned an 8-foot “Rody’s cube”, showing the many faces of Duterte – the dictators Hitler and Marcos and a tuta to resemble his subservience to US imperialism’s economic and military impositions.
Making history
“OK lang na absent tayo sa klase para magprotesta. Ang importante ay present tayo sa paglikha ng kasaysayan,” said former University of the Philippines Student Regent Raoul Manuel amidst cheers and applause from students who attended the rally.
[“It’s OK for us to be absent in our classes so we could join the protest. What is important is we are here to make history.”]
Actor Pen Medina delivered a fiery speech before a responsive audience: “Ang mga public servants natin, binabayaran natin. Pero sila ang nasusunod. Tayo tameme lang. Pero ang pamahalaan ay tayo.”
[“We are paying for our public servants. But it’s only them who are listened to. We remain silent. But we are the government.”]
Medina also greeted the pro-Duterte supporters participating in the simultaneous mobilization at Plaza Miranda.
“’Wag po nating magalit sa kanila. Sila po ang pinakakawawang biktima ng mga pangako at panlilinlang ng ating Presidente. Walang tunay na pagbabago. Pinapaikot-ikot tayo, pinag-aaway-away tayo. ‘Wag ninyong awayin ang mga Dutertards at pro-Marcos. Imulat ninyo,” he said.
[Let’s not be mad at them. They are the biggest victims of the President’s promises and lies. There is no real change. We are being made to run around in circles, being made to fight each other. Don’t make enemies out of the Dutertards and the pro-Marco loyalists. Educate them instead.”]
Almost, if not all those who spoke before the crowd called an end to martial law in Mindanao and expressed their active support in not allowing martial law to happen again.
In an act of solidarity, various personalities onstage led the crowd in singing a Filipino version of the Les Miserables’ “Do You Hear The People Sing”. The Schöberg original was translated into Filipino by thespians Vincent de Jesus, Rody Vera, and Joel Saracho.
Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab
Ikaw ba’y makikibaka At hindi maduduwag Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag
Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab
Ikaw ba ay dadaing na lang Kimi’t magmumukmok Habang nagpapakasasa Ang mga trapong bulok Gisingin ang puso Galitin hanggang pumutok
Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit Himig ito ng Pilipinong Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim Ang araw ay mag-aalab At mga pusong nagtimpi Ay magliliyab! Magliliyab!
Forty-five years after Marcos declared martial law and amid Duterte’s threats of nationwide martial law declaration, the Filipino people stood up and shouted ‘Never again!’
Photos by Noah Loyola, Jhayle Meer, Anjon Galauran, Hector Calma, Dexter Aserdano, Patricia Chan, and Mel Matthew Doctor
Nakuha ng mga residente ng Manggahan Floodway sa Pasig ang kopya ng rekwes ng lokal na pamahalaan ng Pasig para sa paggiba ng mga tahanan ng mga residente sa East Bank.
Batay sa sulat noong Setyembre 11 ni Norman Luis De Leon, Acting Officer-In-Charge ng Pasig Action Line, nagrekwes sila sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ng hindi bababa sa 500 katao para sa tatlong araw na maggigiba ng bahay para sa sapilitang demolisyon sa maralitang komunidad ng Manggahan Floodway. Unang tinarget ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang demolisyon sa Setyembre 21.
Sa nakuhang kopya ng rekwes sa demolition team, sa Setyembre 26 na ang “operation date” o ang araw ng demolisyon.
Sulat ng Pasig Action Line sa MMDA para sa demolisyon sa Manggahan Floodway.
Memorandum ng MMDA sa rekwes ng lokal na pamahalaan ng Pasig.
Nagsagawa ng simbolikong protesta at barikada ng mga residente ng Manggahan Floodway na bahagi ng Balikwas Kadamay ang planong demolisyon ng Pasig noong Agosto 31. Bagamat tinatanggi ng mga pulis na nag-dispersa sa protesta noong araw na iyon ang tangkang demolisyon, ang pagkilos ng mga residente ay batay sa mga tarpaulin na pinaskil ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng Floodway na inaabisuhang maggiba ng sariling bahay (self-demolition) ang mga maralita sa loob ng Agosto 15 hanggang Setyembre 22 o ‘di kaya’y sapilitang maggigiba ang mga bahay sa Agosto 31.
Ang panawagan ng Balikwas Kadamay ay on-site development at pag-award ng lupa ng Floodway sa mga residente na nasa 40 taon nang naninirahan sa kahabaan ng Floodway.
Hinuli naman sa dispersal ng barikada ng mga residente ang 41 katao, kabilang na ang 10 menor de edad. Sinasabi rin ng pulis na nag-disperse at nanghuli sa mga tao na wala namang demolisyon. Nakalaya ang mga hinuli matapos ang siyam na araw batay sa pagsisikap ng mga residente at mga tagasuporta nila na makapagbayad ang piyansa.
Dalawang linggo ang nakakaraan, nagpakalat naman ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng pag-aalok ng financial assistance na nagkakahalagang P 20,000.
Alok na financial assistance ng lokal na pamahalaan ng Pasig.
Pinaghandaan naman ng mga miyembro ng Balikwas Kadamay ang posibilidad ng demolisyon sa mga araw noong Setyembre 19 hanggang 22, ang katapusan ng notice para sa self-demolition.
Kung naaksyunan ng MMDA ang rekwes ng lokal na pamahalaan ng Pasig batay sa target nitong petsa ay sa Setyembre 21, 22 at 25 ang maaaring isagawang demolisyon.
Ang isa pang grupo ng mga residente sa East Bank Manggahan Floodway ay naninindigan para sa relokasyon sa 13 low-rise building na tinatayo sa East Bank. Mula 2012 pa itinatayo ang mga MRB, pero sa kasalukuyan ay iilang gusali pa lang ang naitatayo. Sinabi ng APOAMF sa paunawa nito, hindi dapat magkaroon ng baklasan ng bahay hangga’t hindi sila nakakalipat sa napiling relocation site.
Tumungo ang mga miyembro ng Balikwas Kadamay sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Makati upang siyasatin ang partisipasyon ng ahensya sa nakaambang demolisyon sa East Bank Manggahan Floodway sa Barangay Sta. Lucia, Pasig. Nakakuha ang grupo ng kopya ng sulat ng lokal na pamahalaan ng Pasig sa MMDA para sa rekwes na 500 tauhan para magsagawa ng demolisyon sa Floodway at tinugunan ito ng MMDA na isasagawa ang demolisyon sa Seytembre 26.
Nakipagdayalogo ang MMDA sa mga miyembro ng Balikwas Kadamay.
Sa isang dayalogo ngayon araw kasama si MMDA Deputy Chairman Francisco San Juan, sinabi nila na tiyak na gigibain bukas ang nasa 30 bahay ng mga indibidwal o pamilya na kumuha ng relokasyon o financial assistance sa Pasig.
Gayumpaman, kinumpirma din nila na tutugunan nila ang rekwes ng lokal na pamahalaan para sa 500 tauhan.
Para sa Balikwas Kadamay, labis-labis ang 500 tauhan kung 30 lang na kabahayan ang gigibain.
Kung magbabatay din sa sulat ng opisina ng Pasig Action Line, kasama sa mga gigibain ang mga bahay ng mga residenteng tumanggi sa alok na relokasyon at financial assistance. Sinasabi rin ng sulat ng Pasig Action Line na danger zone ang lugar at nakakasagabal ang mga tahanan sa flood control project sa lugar.
Ang inaalok na relokasyon ng lokal na pamahalaan sa Pasig ay sa Tanay, Rizal, pati ang Eusebio Bliss Village II sa Westbank Road na uupahan o huhulugan ng mga malilipat doon. Ang isa pang relokasyon, ang medium-rise building (MRB) ng National Housing Authority (NHA) sa East Bank Road ay hindi pa tapos mula nang masimulan itong itayo noong 2012.
Ayaw naman ng mga residente sa malayong relokasyon na kadalasa’y wala ring hanapbuhay. Tinututulan din nila ang substandard na paggawa ng mga pabahay, gayundin ang pagnenegosyo ng gobyerno sa pabahay para sa mahihirap.
Naninindigan ang Balikwas Kadamay sa on-site development at pag-aaward ulit ng lupa sa mga residente. Paghahandaan naman ng grupo na depensahan ang kanilang mga tahanan laban sa demolisyon.
Tumungo ang mga residente ng Floodway sa tanggapan ng MMDA.
Sa sulat naman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa MMDA ngayong araw, sinasabi nito na hindi maaaring matuloy ang demolisyon bukas sapagkat may mga hindi pa naaaksyunang aplikasyon para sa relokasyon ng ilang apektadong residente sa NHA. Ayon sa sulat, sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng PCUP, MMDA, NHA at lokal na pamahalaan ng Pasig ay dapat na mabigyan ng Certificate of Unit Allocation ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa relokasyon sa MRB ng NHA bago maumpisahan ang demolisyon. Maaari umanong humarap sa mga ligal na aksyon ang lalabag sa MOA.
The scheduled demolition today in East Bank Manggahan Floodway did not push through after the Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) raised concerns with the Pasig local government unit (LGU) and Metro Manila Development Authority (MMDA) that the terms in their memorandum of agreement has not been complied due to at least 10 pending applications for relocation with the National Housing Authority (NHA).
The residents united under Balikwas Kadamay still gathered at Purok 4 to prepare against the demolition threat.
Balikwas Kadamay gathered to prepare against the demolition threat. Photo by Erika Cruz.
They trooped to the MMDA office yesterday morning to inquire on a scheduled demolition in Manggahan Floodway today, which the agency confirmed. The Pasig LGU requested for 500 demolition personnel from the MMDA for a tentative demolition date on September 21 that the MMDA acquiesced for September 26. The Pasig LGU said residents refused financial assistance and relocation and stands in the way of their flood control project in the area that they have labelled as a danger zone. The PCUP letter was sent yesterday afternoon and may have altered the course of events, at least temporarily.
The residents were blamed for traffic in the area on August 31 when they set up a barricade against the impending demolition that also did not push through. There were 41 arrested in a violent police dispersal of the barricade, including 10 minors. They were able to post bail after the city prosecutor released the resolution on their charges nine days into their detention.
Balikwas Kadamay Chair Rodrigo Villareal said of suspended demolition attempts, “it was because the residents are resisting the demolition that is why the government did not push through with the demolition. But greed has no bounds.”
Residents did not go to work or school to defy attempts of the forcible destruction of their homes.
Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas proceeded to Manggahan Floodway today to meet with the residents. She went to the National Housing Authority (NHA) housing along East Bank Road, just across the street from the community, to inspect the low-rise buildings. Members of Balikwas Kadamay protest the substandard quality of housing units in the relocation site, apart from that they are insufficient in number for all affected by the demolition.
Brosas, a member of the House of Representatives’ Commitee on Housing and Urban Development, was not allowed to go inside the low-rise building complex in Floodway, Pasig.
Rep. Arlene Brosas was not allowed entry into the NHA LRB in East Bank Manggahan Floodway. Photo by Erika Cruz.
The residents, however, were able to get hold of a block of the wall of the housing unit. It was made with Styrofoam with a cement finish.
The said relocation site started construction in 2012, but only three of 13 buildings are constructed.
A piece of the wall of the housing unit in the NHA LRB reveals the Styrofoam material with cement finish. Photo by Erika Cruz.
In 2012, the Department of Public Works and Highways said that the agency’s flood control project in Manggahan Floodway would displace 84,928 individuals.
Manila Youth Act Now, a group of students from various colleges and universities and youth from different communities, launched a peace caravan in September, the second in two consecutive years. In spite of a hiatus in the talks, they remain hopeful that peace talks would continue and yield results that would change the current system of education and social services for the youth.
The caravan visits various high schools in Manila to hold a forum on the peace talks and the plight of indigenous peoples, inviting Lumad schoolchildren to talk about their situation. The forum discusses the relevance to the youth of the social and economic reforms agenda, the current substantive agenda on the formal peace talks between the Government of the Philippines (GRP) and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
The peace forum in Lakandula High School was held last September 11, 2017. Photo from Manila Youth Act Now.
The peace forum in Lakandula High School was held last September 11, 2017. Photo from Manila Youth Act Now.
The peace forum in Eulogio Amang Rodriguez Vocational High School was held last September 13, 2017. Photo from Manila Youth Act Now.

The youth organizers of the caravan push for the NDFP proposition for free, accessible, nationalistic education. Such reform should go with the beefing up of funding for the public school system up until the tertiary level, building more schools and doing away with the K-12 program.
The peace forum in Antonio Villegas Vocational High School was held last September 18, 2017. Photo from Manila Youth Act Now.

The peace forum in Florentino Torres High School was held last September 18, 2017. Photo from Manila Youth Act Now.

The Lumad schoolchildren shared how their own tribes built their own schools with the help of church people and non-government workers. In their alternative schools, they were taught about their own culture, environment, agriculture—all that are relevant for their culture to flourish and their tribes to survive.
The peace forum in T. Paez Integrated School was held last September 20, 2017. Photo from Manila Youth Act Now.

The fifth round of talks between the GRP and NDFP was cancelled by the GRP in May this year, even if delegates were already in The Netherlands for the talks. The GRP demanded for a bilateral ceasefire before negotiations on reforms could proceed, while the NDFP demanded that the other side uphold previously signed agreements. Both panels’ working committees on socio and economic reforms that time could have finished with the first of three parts of the agenda, the agrarian reform and rural development, with free land distribution as a core principle.
The peace forum in Tondo High School was held last September 26, 2017. Photo from Manila Youth Act Now.

The peace forum in Emilio Aguinaldo Integrated School was held last September 26, 2017. Photo from Manila Youth Act Now.

From the time the talks were cancelled, President Rodrigo Duterte has vehemently talked against continuation of the talks, up until before the big protest rally against tyranny and fascism held last September 21. Duterte’s side has yet to issue a formal notice of cancellation of talks.
The peace caravan in Manila has visited Lakandula High School, Eulogio Amang Rodriguez Vocational High School, Antonio Villegas Vocational High School, Florentino Torres High School, T. Paez Integrated School, Emilio Aguinaldo Integrated School and Tondo High School. They would still visit Ramon Magsasaysay High School, Esteban Abada High School, Manuel L. Quezon High School, Claro M. Recto High School and Manuel Roxas High School among others.
Nilad, a network of environmental protection advocates, launched the Green Corridor Initiative campaign at the University of Makati on September 27 to call for the preservation of green spaces in Metro Manila amid rush to implement government’s infrastructure agenda ‘Build, Build, Build’.
The group illustrated the cutting of trees along Commonwealth Avenue for the building of the MRT-7 as one of the recent casualties of the development agenda that they say ‘does not benefit the people and the environment.’
“The development projects are geared for private business profit, so we lose green spaces that can protect us from calamities. The government spend for these projects and turn over their operations to private business, so the money that comes from these projects does not go back to social services or the environment,” said Nilad Chairman Raymond Palatino.
The group also launched the #GreenMetroManila, which aimed to have an inventory of green urban spaces in Metro Manila. They sought local government units for environmental plans such as land use, parks and plazas, existing waterways, number of trees, biodiversity profiles, bike lanes and waste management facilities.
Netizens may also take part in the initiative of identifying and monitoring green spaces by posting photos of these spaces and places with the use of the said hashtag.
University of Makati students participate in the #GreenMetroManila initiative. Photo by Kathy Yamzon.
The group said they are named after the origins of the name of the capital city of the country, “may nilad” meaning there are mangroves. The region used to be surrounded with mangroves that protect from flood and surge and promote biodiversity, hence the inhabitants gave such name. There are only three remaining mangrove forests in Manila.